Saturday, 31 October 2015

NOT A Holiday

11/1/2015 12:43:58 PM

Punyeta. Ang daming maling bagay na nagiging tama sa panahon na ito. At hindi lang ito usapin ng lohika na ginagamit ng mga tao sa panahon ngayon.

Ano ang tinutukoy ko? Ito lang naman.

Pasensya na, mga pare. Pero hindi po holiday ang ika-2 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Wah! What the fuck? Bakit naman?

Ayon ito sa anunsyo ng plalasyo noong isang lingo. Aniya, sa nakasaad sa Proclamation No. 831 na na-isyu noong nakaraang taon pa, ang Nobyembre a-1 lamang ang nakasama bilang special non-working holiday.

Punyeta. Sinoman ang nagsaad niyan ay malamang kinulang sa pag-aaral sap eta ng mga holiday sa Pilipinas. Lalo na sa usapin ng tradisyon. 

Siguro kung taga-BPO ka, o nagtatrabaho sa mga field kung saan ay halos walang holiday, malamang tanggap mo na ang ganitong kalakaran.

Pero dahil hindi rin yata alam ng nagdeklara na ang November 2 ay ang tinatawag na All Souls Day. Kung pagbabasehan ang tradisyon ng Katoliko, ito ang petsa kung saan inaalala ang mga kamag-anak at kabigan nating namayapa na.

Pero bakit pumupunta tayo ng sementetyo na November 1, at hindi naman November 2?

Yan ang misconception sa ating paniniwala at nakaugalian. At yan din ang sagot sa problema kung bakit nagmamaktol tayo kung bakit may pasok bukas. Mali-mali rin kasi ang natutunan at nakaugalian natin e. 

Oo, tayo rin ang may kasalanan kaya magtigil-tigil ka na rin sa kabadtripan mo. Parang yung ibang mga panukala lang gaya ng plastic band, ang pagpapataw ng mga mababaw na batas, at kung anu-ano pang kabullshitan.

Oo, kasalanan natin. Tsk. Mali pala tayo ng ginagawa e. 

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Friday, 30 October 2015

Tirada Ni SlickMaster: "Extend" Pa More? Extend N'yo Mukha N'yo!

10/31/2015 12:53:05 PM

Photo credits: Walkah Walkah; Inquirer
Nakakalokang lipunang ito. Puno ng bunganga’t panay reklamo ang laman. 

Oo, wala sanang masama sa pagbubunganga kung gaano kamiserable ang mga bagay-bagay sa ating bansa. 

Parang kung gaano ba kapangit ang serbisyo ng ilang ahensya; kung gaano tayo pinaghihintay sa pila na diaig pa ang mala-forver na pagmamahalan sa mga paborito nating tetleserye’t pelikula. Kung gaano tayo nababagot sa pakikipagtalo kung may forever o wala, habang naisastuck sa trapiko sa EDSA at alinmang pangunahing kalsada. Kung bakit ang bababaw ng mga panukalang ipinapasa sa kongreso (kung tutuusin, kasingbabaw nga lang yan ng kwentong pinapanood natin e) At higit sa lahat, kung bakit ang mga nuknukan nang kakupalan at kaungasan ang nakaupo sa pamahalaan na naglilingkod dapat sa ating mga mamamyan.

Ayos sana ang pagrereklamo natin e. Ito nga lang ang mas malala: ilan naman sa atin ay may ugali na hindi naman natin dapat ginagawang parte ng ating kaugalian. Nagrereklamo tayo sa pagiging malambot ng otoridad pero hindi naman sumusunod sa batas? Nagrereklamo tayo kung bakit baha inaabot natin sa tuwing sumasapit ang tag-ulan samantalang tayo naman ay nagtatapon ng basura sa mga estero?

Nagrereklamo tayo kung bakit tiwali at incompetent ang mga nakaupo samanatalang hindi naman tayo bumoto?

At nagrereklamo tayo ng extension sa deadline samantalang hindi natin pinapansin ang voter’s registration program ng Commission of Election (COMELEC) nung nagsimula ito noong 2014?

Aba’y nakakagago naman pala kung ganun. Bakit tayo hihirit ng extension? Bakit tayo aapela na dapat ay maiextend ang voter’s registration hanggang Enero 8, 2016? Nakakalokang lipunang ito o. Kung andyan pa ang dating chairman na si Sixto Brillantes ay sa malamang nakatikim na naman kayo ng bato-batong kataga.

Teka, bakit “extend pa more,” mga hijo’t hija? Ano ang pinaglalaban natin? 

Busy sa trabaho? Unless wala kang leave na maaring gamitin, ano pa ba ang maaring excuse mo? Pucha, ultimong mga walang trabaho nga e (o sa mas marahas na termino, batugan) at estudyante pa lang, basta nasa wastong edad ay may K na gamitin ang kanyang right of suffrage e. Kung OFW naman, naglabas rin naman yata sila ng registration para sa absentee voting.

Ahh, dahil ba sa mga gaya ng AlDub, Pastillas Gir, Pabebe Girls, #hugot fever, at kung anu-ano pan pautot ng mainstream entertainment? May Internet naman para makapag-catchup ah. Mantakin mong mas napapaglaanan mo pa nga yata ang mag-Facebook at Twitter, kesa sa icheck mo ang email mo at mag-research e.

Sa madaling sabi, ang haba ng panahon nang nilaan para sa inyo. Ganyan kayo kamahal ng pamahalaan niyo kahit madalas ay sablay-sablay sila sa mga serbisyo nila. Oo, kahit gaano niyo binabash sa social media at minumura ang ilang mga opisyales na nagpapakatapat (kahit ang ilan ay talaga namang likas na siraulo pagdating sa customer service), at least itong COMELEC na ito, gumawa pa rin ng paraan para i-acocomodate kayo. Naglagay nga sila ng satellite booth sa ilang publikong lugar gaya ng mall ‘di ba? (Kitam mo, may mall pa nga e. Sabagay, panay sine lang yata na nagpapalabas ng kalandian ang ianaatupag mo pag andun ka e.)

Nagkaroon pa kamo ng 12-hour operation sa bawat araw mula Lines hanggang Linggo. Pustahan tayo, baka nga hindi pa sapat ang sahod sa mga empelyado na nagging bahagi ng programang yan. Maawa ka rin paminsan-minsan. Panay sarili lang—gaya ng pagdownload mo ng Heneral Luna sa Torrent (example lang)—ang pinili mo e.

Ang lawak na rin ng mga public service announcement ng mga TV network na pinapanood mo araw-araw. Ilang beses kung i-ere ang mga ito. Palagiang pinapaalala pa yata sa mga piling palatuntunan. No Bio, No Boto nga sabi ng slogan ng COMELEC; samantalang sa isang network naman ay in-emphasis ang halaga ng boto ng bawat taong lalahok. Isipin mo na lang yun: kung hindi ka bumoto, wala ka dapat na K na magreklamo. (Pero dahil nga nasa Pilipinas tayo—na isang malayang bansa to the extent na nagiging pasaway tayo sa sariling batas at may say sa lahat-lahat ng mga bagay—sorry na lang ako.)

Pero bakit “extend pa more” ulit?

Dahil ayon sa Section 8 ng Voter’s Regitstraion Act, dapat ay tinatapos lamang ang registration period isangdaan at dalawampung araw (120) lamang bago ang regular election. Kaya ayon sa nasabing peitsyon ay illegal raw ang pag-set ng COMELEC nag awing Oct. 31 o halos kalahating-taon bago ang nakatakdang halalan.

Ah, ganun? Hanapan pala ng butas kung ganun. Maaring mali ang COMELEC dahil sa naturang hakbang na ito. Pero maliban dun, ano naman ang repklesyon sa ating lipuanng ito?

Na mahihilig tayo sa last minute. MaƱana habit, sabi nga naman nila. Parang estudyante lang, mahilig sa cramming. O minsan, applicable din ito sa ating mga nagtatrabaho. Kung kelan malapit na ang deadline, saka lang tayo kikilos.

Ganun? Oo, ganun nga. Ang gagara din natin, ano po? Balik sa tanong. Bakit “extend pa more” ang hinaing natin?

Samantalang mula Mayo 6 pa pala tayo hinihikayat ng COMELEC na magparehistro at magpa-validate n gating biometrics? Kukulit din kasi natin e. Isipin mo na halos labing-pitong (17) buwan na pala tayo kinukulit ng COMELEC para ditto. Tapos may gana tayong magreklamo kung bakit ang haba ng pila; kung bakit ang bagal nito; pati yung proseso ng serbisyo? Isama mo na rin yung mga kung anu-anong shenanigan na nagaganap.

Mga gao pala kayo e. Ang haba na ng panahon na nilaan sa inyo ay ganyan kayo. Ayusin niyo kaya ang ugali niyo at iwas-iwasan ang “mamaya na” habit?

Ay, busy? Punyeta, sapat bang excuse yan sa haba ng panahon na nilaan? Tsk.

Ay, extend pa more? Extend niyo mukha niyo!

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Saturday, 24 October 2015

Why o Why???

10/25/2015 9:55:30 AM

Ang daming nabadtrip. Matutuwa na sana sila e. Makikialam na sana sila sa darating na halalan sa May 2016.

Kaso may problema: ayaw ng tao ang partner niya. As in yung kasama niya para sa ticket niya bilang pangulo. Yung bise-presidente ba.

Bakit ganun?

Well, sino ba naman ang hindi mababad-trip kung ang gusto mong kandidato ay pinili ang isang tao na ayaw mo? Na para bang si Sen. Miriam Defensor-Santiago, na tatakbo sa 2016 Presidential Elections, ay pinili si Senator Bongbong Marcos bilang kanyang bise-presidente?

Sino ang hindi mababagot kung maalala nila ang apilyedong yun, na naging matunog dahil sa Marital Law? Kaya nga nauso ang hashtag na #NeverAgain, ‘di ba? Akala ko noong anibersaryo lang ng Martial Law (noong Setyember 21) lang ginagawa ito.

Baka naman sa malamang, may pagkakaiba naman siguro sila Bongbong at Macoy, ano? Besides, iba na rin ang panahon. Magkakaroon pa ba ng martial law kung sakaling maluklok siya sa pwesto? Duda ako sa totoo lang kahit sa aktwalidad ay nagawa ni Francis Underwood ito.

Ngunit kalokohan naman kung ihahambing natin ang kakayahang ito dahil lamang sa panonood ng House of Cards (at ano nga ba ulit ang programang ito? Sorry panay wrestling, at basketball lamang tinatangkilik ko sa TV e).

Pero… bakit daw, Miriam? Bakit?!??!?? (O kung medyo OA ka, Punyeta naman, BAAAAKIIIIITT?!!)

Sinasabi na isa sa mga masisipag na Senador ang nakababatang Marcos, lalo na noong nasa kongreso pa siya. Nag-push ng mga panukala para sa mga pabahay, programang pang-rehablitasyon sa mga bata na nagigipit sa mga lugar ng may sigalot, sa industriya ng soybean, sa pananaliksik at pag-develop ng hydrogen, at sa mga programa nan aka-akma sa welfare ng mga guro.

Isa rin si Bongbong sa mga tumuligsa sa pagpataw ng hatol sa impeachment case ni dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona noong 2012. 

Pero bakit ayaw nila sa taong ito?

Ahh… dahil ba sa Martial Law? Dahil may stigma pa rin ba tayo ng mga pangyayari apat na dekada na ang nakalipas?

O dahil natututo at sinusubukan pa ring matuto sa kasaysayan? Oo nga naman kasi. Pag hinayaan kasi natin na maluklok siya bilang VP, parang ang dating sa atin ay “history repeats itself,” ‘di ba?

E ang problema, hindi naman yata siguro ang mangyayari. Hindi kaya masyado rin tayo mapaghusga? O dahil ayaw natin maranasan ulit ang serye ng mga ganoong bagay?

Siguro, never again sa corruption. Well, lahat naman tayo ay magkakasundo sa ganitong adhikain e. Oo, punyeta, lumayas nga ang mga tiwali sa pamahalaan. Pero ang problema: long shot ang goal na ‘yan. Ika nga ni Heneral, kailangan ng radikal na pagbabago.

At ito ang problema: nagiging siklo lamang ang mga bagay-bagay kaya hindi siya nagiging radikal.

Pero punyeta naman. Kung hindi natin gusto ang kapareha, e di pumili tayo ng iba? Halos may mga ganitong sitwasyon rin naman sa iba’t ibang kandidato noong mga nagdaan na elesyon ah. Yung iba nga na nakausap ko noong 201 elections, trip pala si Gibo; Ngunit dahil sa nasa tiket siya ng administrasyon, hindi binoto. Sa halip, yung iba na lang. Dahil ba sa siya sikat? Ewan ko bagamat yun naman ang kadalasang dahilan e; regardless kung sikat dahil sa mga nagawa o dahil sa tarantado siya sa mata ng mga balita.

Saka saang bansa ka nakakita na pag nanalo ang pangulo, ganun din dapat ang pangalawang pangulo? 

Sa Estados Unidos, at hinahalal din sila. Pag nanalo nga, pati ang partido, damay.

Pero tangina naman, wala tayo sa Amerika. That’s so US-of-A. Iba naman ang bansa natin. Sa isang bansa na malaya ang bawat mamayan para pumili—sa kabila ng karumihan ng pulitika (ginagawa pa nga itong negosyo ng ilan)—HINDI mangyayari yan. Kailan ba ang huling beses na nagkaroon tayo ng winning Pres-VP tandem? 2004? 

Pero anong petsa na, mga hija’t hijo? At sa tingin mo ba nangyayari ba ‘yun ng madalas sa mga nakaraang administrasyon? 

Naaaaahhh. 

May karapatan tayong pumili. Huwag tayong magpadala masyado sa mga branding at advertising. Nagagawa nga natin pumili kung AlDub o Pastillas Girl ang papanoorin natin e. Nagagawa nga nating pumili sa pagitan ng “Bayan o Sarli” eh.

Kaya may K ka na hindi iboto ang ayaw mo. Hindi mo na kailangan pang mang-bash sa social media. Ay, nagasabi ka nga pala ng opinion mo no? Pero ganun naman tayo palagi e. Ayaw natin, sasabihin natin., Magrereklamo tayo. Okay lang yun, as long as kung ikaw mismo ginagampanan mo ang tungkulin mo bilang mamayan. Baka nga hindi ka nagbabayad ng Vat eh; o hindi nagtatapon ng basura sa tamang basurahan. 

At baka naman, hindi ka pa nagpaparehistro muli. (Kung ganun, tangina mo, wala kang K na magreklamo.).

At kung tutuusin nga, ang dami na nating sablay sa pagpili sa mga eleksyon e.

At sa tingin mo ba, matututo tayo sa 2016?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Upcoming: 2015 Blogapalooza Seasons

10/24/2015 8:58:54 PM



It’s that wonderful time of the year for the blogging industry again, as When in Manila unveils the another edition of the business-to-blogger event called Blogapalooza.

And things have went even father as they now staging Blogapalooza at One Esplanade (located near Mall of Asia). More than 40 brands are present and over 600 bloggers will be in attendance.

Also, special guests such as RJ Ledesma and Valerie Tan will be in the networking and marketing event as When in Manila, in partnership with Project Headshot Clinic, launched a digital campaign called #ResponsibleMedia. Aside for that, brands will raffle away prizes to all bloggers present.

It’s all happening on October 25, 2015, 10 AM – 9 PM at One Esplanade, SM Central Business Park, Seaside corner Bay Boulevard, Pasay City. Blogapalooza is also co-presented by Sosro Fruit Tea, Food Panda, Bambu, and official venue partner One Esplanade. Visit http://blogapalooza.ph/ for more details, and see the hashjtags #Blogapalooza and #ResponsibleMedia.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Thursday, 22 October 2015

Fashion is so Elite

11/2/2014 1:56:04 PM

Fashion is for elite. Parang romance: so mainstream, o pwede ring so high school.

Hindi ko alam kung bakit ko naiwika ito. Siguro dahil isa rin sa mga realization ko sa buhay ay mas okay na ang simpleng manamit. At maswerte ka na lang kung mas anagat ka sa mga maykaya . Dahil malamang, may kakayahan kang bumili ng mga damit mo. At kahit makipagtalo ka pa at sabihing “may ukay-ukay naman ah. Pati surplus.” Hindi lahat ay madiskarte sa ganun, kahit gustuhin man ng bawat isa sa atin.

Hindi maaring ipagkaila na isa sa mga pinakapangunahing pangangailangan ng tao—maliban siyempre sa pagkain, bahay, kalinga, at ultimo ang sex—ang pananamit.

Kung ayaw mong maniwala, tignan mo pa ang hierarchy of needs ni Maslow, o kung relihiyoso ka, basahin mo kaya ang isa sa mga Seven Corporal Works of Mercy.

Oo, damit. Kailangan ng tao yan. Para magmukha siyang tao. Magmukhang kaaya-aya at kagalang-galang. Sinasabing ang istilo ng pananamit ng isang tao ay repleksyon ng kung anong klase siyang tao. At totoo ito sa lipunang mapaghusga gaya ng ginagalawan natin.

Pero fashion is so elite. Hindi mo ba napapansin na karamihan sa mga taong mapoporma ay mga celebrity (dahil malamang, they belong to that state)? Swerte ka na lang kung maymakatagpo kang fashion blogger pero saan mas pumipili ng damit at nagde-dress: sa mga ukay-ukay. (at tingin ko, may mga ganito namang tao. Kaya walang masama dun).


Pero still, fashion is so elite. Dahil sa mga naglipanang mga clothing brand sa mga mall, ayun natuto rin umastang matapobre ang iilan. Nagbabago ang lifestyle. Ayaw nila sa mga local brand (sabagay,mahal din e)? Gusto nila sa mga nagbabaguhang banyagang pangalan? Ano ‘to, dulot ng colonial mentality natin? Na prang halos walang pinagkaiba sa panahong may naglalabasang smartphone, tablet at kung anu-ano pang mga gadget?

Fashion is so elite. Kaya sa totoo lang, tingil-tigilan ko nang magbasa ng mga Friday lifestyle sections ng mga pangunahing broadsheet. Alam kong yuppie generation tayo na may pagka-narcotic. Yung mga tipoing lagging nagpopost ng OOTD at ng mga selfie. Pero nadidismaya nga lang ako kasi sa halip na tutukan ang mga iba pang mga isyu salifestyle ng mga kabataan, ay panay nagmukhang lookbook ang kada pahina. (ibalato na lang natin yan sa mga ganung website at sa mga akmang style magazine, pwede ba?)

Fashion is so elite. Dahil mas trip pa ng taong pumorma ngayon kahit wala siyang datong para kumain. Ang resulta ay nagigingsexy siya dala ng kanyang pagkaanorexic. At patunay lang na pag may abs ka, in ka. Eh paano kung isa kang dukha na walang kakayahan? Malamang, wag ka lang makiuso. At huwag -mong isipin na baduy o jologs ka porket hindi tending ang kasuotan mo. Pucha, bigatin nga ang brand, e para namang tinapal lang natela sa’yo ang suot mo. Parang isang hila ng tao sa’yo ay hindi ka babagsak sa sahig at bagkus, huhubaran ka. Parang yung isang mala-X rated na prank sa Japan (oo, naalala ko nung panahon na illegal akong umaarbor ng mga porn nun sa dati kong telepono. LOL).

Fashion is so elite. Nagbukas ang UNIQLO nun? Nagbukas ang H&M kamakailan lang? Eh ano ngayon? Ika nga ng Radioactve Sago Project, “Tangina mo! Ang daming nagugutom sa undo, fashionista ka pa rin?”

Oo, pati ikaw kasama samga nagugutom nay un, pero fashionista ka pa rin?

Sabagay, trip mo yan. Pero kung ako ang tatanungin, lugar-lugar din ng priority pag may time.

Fashion is so elite.

Author: slickmaster | ©2014 september twenty-eight productions

Friday, 16 October 2015

Na-#DuterteZoned Ka Dre?

10/16/15 05:43:50 PM

rojan88.wordpress.com

Ayan. Nasaktan na naman kayo. Disappointed. Galit na para bang hiniwalayan kayo ng syota, o nabasted ng nililigawan, o nasabihan na “ hanggang magkaibigan lang tayo.”

At bakit nga naman hindi? Umaasa kasi kayo sa mga binibitiwang salita eh.

Alam niyo naman ang mundo ng pulitika dito sa Pilipinas. Kung hindi puno ng kasinungalingan, lipunan naman ito ng mga taong “walang isang salita.” Hindi ganun katigas ang paninindigan.

Pero ganun nga ba siya? Oo, yung gusto natin sana maging pangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte?

Aba, ibahin mo siya sa mga ibang pulitiko sa bansang ito. At least siya, sa bandang huli ay nanindigan pa rin na “hindi tatakbo sa darating na 2016 Presidential Elections.” Oo, kahit sabihin mo na para siyang babaeng nagpakipot pa sa nililigawan pero babastedin lang pala sa bandang huli. Nagpaasa, sa terminolohiya ng mga romantiko; o Friendzone sa makabaong bersiyon. Oo, maaring nag-soul searching pa siya para maliwanagan ang isipan, puso, at kaluluwa.

Pero paano kung hindi pala niya sinabi yun at bagkus ay gawa lang ito ng mga spin doctor? Yung mga tipong ginagamit ng ilang PR ang media para makapagpahayag nang may bulas. Pero malabong paniwalaan ang ganyang argumento. Hindi lang dahil si Digong mismo ang allegedly nagsabi nyan, dahil sa malakas ang kapangyarihan ng mga stratehista sa pulitika sa pamamagitan ng mga adviser nila at ang media mismo. Kaya nga kahit basura ang pinapanood mo ay tinatangkilik mo pa rin, 'di ba?

At kahit magpakalbo pa ang anak, at mga tagasuporta—at ultimong ahitin (o rather, kalbuhin) pa ang pubic hair mo, hindin siya tatakbo para sa'yo. Hindi dahil sa hindi niya kayo mahal o ano. Malamang, may dahilan siya. Gusto pala niya magretiro; o kung hindi man, pamunuan na lamang ang Davao.

At bakit mas pipiliin niya ang Davao kesa sa buong Pilipinas? Hindi madaling magpatakbo ng isang bansa. Sa ngayon, maaring nagugustuhan mo siya. Pero paano kung hindi niya nakamtam ang mga nais mo? Paano kung nag-fail siya sa mga expectation niyo? O sa kontesto ng mga friendzone at klung ano pang kababawan ng relasyon, paano kung hindin niya natupad ang pangako sa 'yo?

Magagalit ka ba gaya ng pag-react mo sa mga taong hinalal mo nitong nakaraang halalan? Iintindihin mo rin ba ang puwesto niya kung sakali? Malamang hindi, dahil baka sarili niyo lang ang pipiliin niyo, at kung anumang kapalpakan ang mangyari, isisi mo sa gobyerno.

At paano kung mangyari ito sa darating na panahon na kung sakali lang ay tumakbo si Duterte at nanalo; pero sa mga nagdaang buwan at taon ay hindi rin nagampanan nang sapat ng kanyang administrasyon ang mga suliranin ng ating bansa?

Kitam. Hindi niyo man lang ginalang ang desisyon niyang magsabi ng hindi. Paso na nga ang deadline e. Tapos na ang buong #DuterteSerye. Kahit sa kabila pa nito na nag-rally pa ata kayo sa harap ng Palacio del Gobernador para lang gumawa ng last-minute na ingay. Nung nag-anunsiyo na siya sa social media account niya ay ganun kayo na dismaya, nagalit o dili kaya'y nabad trip. As if hawak niyo siya sa leeg ah? As if anak niyo siya ah, o nilibre niyo siya ng gabundok na pagkain.

Prarang tumatanaw lang ng utang na loob ah.

Ah, dahil siya na nga lang ba pag-asa ng bansa? Kunsabagay, sa lahat kasi ng mga pulitikong kakandidato ngayong eleksyon, mukhang siya lang ang may kakayahan talaga.

Pero ano magagawa natin, maliban sa igalang ang kanyang pasya? Yun lang. Wala pala siyang ambisyon e. Bakit natin ipipilit ang mga bagay-bagay, na para bang ipinagsiksikan mo ang sarili mo sa babaeng nakilala mo sa isang bar; o sa isang bagon ng MRT na mas siksikan pa kesa sa lata ng sardinas?

Dahul siya lang ba makapagpabago sa atin? Bakit hindi ba natin magawa yan sa ating paligid? Sabagay, ultimong pagtatapon nga ng basura sa tamang tapunan ay hindi nga natin magawa.

Ganito yan: kung gusto niyo ng pagbabago sa Pilipinas, una sana mapansin niyo man lang na kailangan ng radikal na pagbabago, at nagsisimula ito sa inyong mga sarili.

At pangalawa, kung may bayag talaga kayo na maging makabayan, nag-file sana kayo ng certificate of candidacy gaya nung mga ordinaryong nilalang na gumawa niyan sa loob ng limang araw. Hindi sila baliw gaya ng inaasahan niyo. Oo, maaring hindi sila sikat. Pero at least ginawa nila kahit minsan sa buhay nila.

Hindi ito usapin ng YOLO. Usapin ito ng kung ano ang kaya mong gawin para sa bayan maliban pa sa panunood ng mga pelikulang gaya ng Heneral Luna at magingninstant fanboy o historyador pagkatapos.

Buti nga ang mga panatiko ng pelikulang ito natutuo sa mga bagay sa kasaysayan ng bansa e. At least kahit saglit lang, nagpakita sila ng pake sa Pinas. E yung mga walang inatupag kundi kiligin na lang sa mga “serye” na oras ng katanghalian, aber? Sana nga kung ano yung mga turo ni Lola Nidora dun ay naipapasok sa utak niyo e, lalo na sa panahon ngayon na mas binibigyan pa ng importansya ang pag-ibig (o paglalandi) sa sinisinta kesa sa anumang bagay.

Nakakagago na nga ang estado ng pulitika sa ating bansa, mas nakakagago pa yung ilang mga nagrereact sa social media. Para kayong pinaasa ng isang hot tsiks o kung sinumang gwapitong heartrob ah.

Sabagay, nagpadala kasi kayo e. Kasalanan niyo rin yan.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Wednesday, 14 October 2015

Playback: Autotelic – We Are Autotelic (album)

10/08/15 11:37:38 AM

Photo credits: Pinoytuner
There are times where all I wanna do is to shut up and listen to a variety of music. And in case I liked them, I do put my several takes on it.

And rarely—if not none—I made some words of appreciation on albums. But for now, since Autotelic is celebrating its success for over three years in the independent music scene, might as well have do a review on their album.

Just over a year ago, Josh Villena and company released their 8-tracked album at 12 Monkeys Music Hall and Pub in Makati City. Though it was only past April when I grabbed a copy of their record (their second, after an EP that was launched in 2013/early 2014).

So, first things first. I am a huge fan of 'track number 1.' Meaning, the very first song that will play on my disk—in chronological order—should better be attractive to my ears as fuck. It's like a simple sales transaction where you have to grab the prospect customer's attention by presenting the part of your product that has awesomeness. Parang pag una mong napakinggan, “Shet! Love ko na 'to!”

And that is something Kung Sa Bagay had been good for. From that introductory mix of synth, guitars, and the sudden drubbing of drums, to the rest of the way.

This time though, the album version of Misteryoso sounded a bit differently. Perhaps more polished. I admit, I'd prefer the old one (yes, the extended length). This one, though running for only five and a half minutes, was still not a bad thing to deal with. The difference is quite obvious, Kai's vocals were injected. Plus the keyboard-mix was more hearable that before.

Unstable is quite a melodical-paced one. Setting aside the music video Ballet Philippines had done, the rhythm shows the story in accompaniment to the lyrical forms. It never went to the fast lane; but still danceable, especially when heard live.

Balik, as I said on my song review, talks about nostalgia. This one, though, was a mere polished version (just like Misteryoso). But hearing this version—on a personal note—gave me goosebumps. Quite strange. I quite thought they have the same pace as Unstable.

The difference is that Balik—another Filipino language-written track—was more related to the goers. Could it be the lyrics? Perhaps. Plus the fact it changes power from slow to much-a-bit-faster-than-medium. Gep's drumming prowess during the instrumental struck me the most; along with the guitar effects from Villena, Neil Tin, and the bass from Timothy Vargas. But hearing the last chorus gave me that total lookback vibe. It's like you wanna see some rundown-travel clips and that part on your audio accompaniment.

Dalhin is something I considered one of the under-rated tracks for the album (three, in fact). Strong message in a simpler-sounding blend—and short lyrics. But the message was so strong that I had my hand picked on this as my personal favorite.

Isang Tanong, Isang Sagot was another. Talk about waiting for “answers,” eh? More dramatic than Unstable; and more melodic either.

Dahilan was still definitely (and still) an instant attraction to the music lovers. You try to hear them on canned recording (either by the album or just on that lyric video on YouTube alone), and it will give you total satisfaction on how Villena's song-writing prowess works; especially at chorus where he and Honasan's vocals blend well. Plus, EJ Edralin's exposure on synth was more evident here.

It's like one of the tracks where you will realized this should have been a sad song; and yet it's still danceable as fuck. Yes it is even if it's not as fast paced as whatever you may have think.

All Night. Where things went from a deeper-bass level. I heard more of Pab's stuff right there. And the powerful strum of the guitarists and drubbing of Macadaeg's as well. Also, the longest recording in this album.

The closure was so dimmed-sounding as fuck; it's telling a story like there's more in this band that will come out soon, as the night goes cooler (as if a gig reached its end and chill-down vibe is peaking).
Perhaps I should not be surprised anymore why Autotelic's self-titled album was an instant gem in the recent era. To think of it, even mainstream news portals had their own share of raves for this record, and the music magazine blog Vandals on the Wall even tagged them as part of its 20 Essential Albums of 2014. 

Well, I guess blame it on the process. These tracks were presented in various forms, crafted in different ways, and telling wordplay in whatever means possible. And even on the down-tempo like beat, there's no way you can never dance to any of their tunes.

And that is the main reason why Autotelic was one of the present standouts of the Philippine independent music scene—and perhaps the future of the Filipino pop music too!

The Verdict: 9.5/10
 Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Sunday, 11 October 2015

"Tuwad Na Daan "Pa More!

10/11/2015 8:31:19 PM

May kasabihan sa buhay—at ito ay ayon sa isa sa mga hjinahangaan kong kontrabida na si John Regala: Para mapansin ka, either gumawa ka ng masama, o gumawa ka ng masama.

At sa tingin ko, kahit alam ko na kabutihan ang nais nito ay nagging masama. OO, mabuti dahil gusoing mapasaya ang birthday celebrant nun. Pero masama dahil sa imaheng dinadala nila bilang isang opsiyal na hinalal ng mamamayan.

Hindi dahil sa naging iba ang imahe ng kababaihan. Kung tutuusin, ag mga sexy dancer naman ay andyan na e mula noong panahaon na umusbong ang mga beerhaws at sa mga noontime shows. Kaya anong bago para punahin ang mga ito? Dahil ba sa mala-sexist na ang perspektibo ng lipunang ito? Tanginang lohika yan.

Hmmm... kaya hindi kataka-taka na nahiya tuloy ang dapat na tatakbong senador sa ilalim ng Liberal party na si Metropolitan Manila and Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino at nagdesisyon na umalis sa naturang aprtido. Aba, ikaw ba naman ang putaktehin ng publiko sa ginawa mo e. Mantakin mong may suot pa ang mga playgirls ng endorsement shirt ni Tolentino.

Good luck, ‘di ba?

Kanya-kanyang taktika na rin yan siguro. Oo, kanya-kanyang ingay, at propaganda para mapansin lang ng madla. Para makakuha ng atensyon. Para na rin makakuha ka na ng simpatya sa publiko kung ikaw ay binabatikos sa social media. Kumbaga sa mga jargon ng wrestling, kailangan ay may gimik ka, kahit sa aktwalidad ay lalabas kang kontrabida at jinni-jeer o binu-boo ng marami dahil sa mga kilos mo. 

Kaya ang dami ring mga pulitiko na nahahalal sa kabila ng kanilang madungis na track record na ineexpose ng ilang mga netizen. E paano? Sympathetic ang mga nasa ibaba; nadadala sa siympatiya. At yan ang sinasabi ko palagi na hinay-hinay lang sa pambabatiko sa pulitika. Matutuo naman sana tayo, ‘di ba?

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions