Showing posts with label Rodrigo Duterte. Show all posts
Showing posts with label Rodrigo Duterte. Show all posts

Sunday, 20 March 2016

Tirada Ni SlickMaster: PiliPinas Debates 2016 Part 1

3/20/2016 3:16:51 PM

Ngayong hapon gaganapain ang ikalawang edisyon ng PiliPinas Deabtes 2016, at gaganapain naman ito sa Cebu at mapapanood sa TV5.

Pero bago ang lahat, alin ang mga tumatak sa isaipan mo noong unang sumahimpapawid ang #PiliPinasDeabtes2016 sa GMA-7 na live na live din noon sa Cagayan De Oro? Maliban pa sa mga sandamakmak na commerical at pagiging kabado ni Mike Enriquez (Excuse me po!)?

#PiliPinasDebates2016 First leg. (screengrab from YouTube)
Yung tila palitan ng papuri nila Miriam Defensor-Santiago at Rodrigo Duterte. Wow, sweet. Bagong loveteam itetch?! Mukhang may naamoy akong alyansa ah. 

Ang kanyang pagkastigo sa mga kumekwestiyun sa kanyang kalusugan. Aba, matibay ang lola mo, Kunsabagay, wala namang nagbabawal sa sinumang may karamdaman na tumakbo eh. 

“I am decisive. I am effective leader.” Wow, confident si Jejomar Binay ah. Talaga lang ah. Bakit hindi mapatunayan ito sa korte tutal may mga asuntong ipinupukol sa’yo?

Minana lamang daw nya ang ilan sa mga real estate. Kung hindi man, nabili. Peor hindi nadeklara sa SALN? Labing-isang property yun sa loob ng tatlong dekada. Hmmm, talaga lang ha?

At bakit nga naman taliwas siya sa ideya ng pagwaksi sa political dynasty? So, dalawang bagay lang: either nakikita niya ang tiwala ng tao sa sinuman na magagaling mamuno, o nakikita rin niya ang pagiging gahaman sa kapangyarihan nito.

Si Duterte at ang kanyang pagdepensa sa machismo. Isa sa mga bagay na sa totoo lang, kahit mali sa mata ng moralidad, ay hinahangaan ko. Oo, mali ang mambabae. Tila maling halimbawa ang kanyang ipinapakita sa mga nakababata. Sabagay, patunay lamang na gaya ng ibang pulitiko, hindi siya perpektong nilalang. At least, nagpapakatotoo siya. May bayag para aminin ang mga bagay-bagay.

Ang tahasang pag-kwestiyon ni Mar Roxas sa kwalpikasyon ni Grace Poe. Sabagay, lamang nga naman si Roxas kay Poe; manipis ang kanyang resume, at marami namang butas nang napansin kay Poe dala ng samu’t sariling black ops sa pulitika (bagay na of course, masyadong kumpliakdong usapin dahil madedeceive ka ng “katotohanan” at “kasinungalingan”). At hoy, hindi lang simpleng pagiging “ina” to.

Pero, para solusyunan ang isang problema sa agrikultura ay murang pautang? Kunsabagay, mas lesser nga naman ang presyo, pero hindi kaya napo-prolong lang nito ang agony sa usapang pinansyal? Ang kailangan nila ay programang magbibigay ng “kita” sa kanila, ginhawa mula sa problema. Utang na naman? Parang lalo lang mababaon sila e.

Usapang kriminalidad. Sa Davao may drugs? Sa Makati may drugs? NAku, sinabi mo yan on-air? Patay kang bata ka. Alam kong pabiro yan, pero para mo na ring sinabi nang tahasan ang pagiging kapalpakan para masupil ang droga. Dahil may mga pulitikong nagpo-protekta sa kanila.

Sa totoo lang, kahit ang isang safest city ay hindi perpekto. Pero at least, nagawa ni Duterte na at least kontrolin yan.

Eh sa Makati, na dalawa ang mukha? Pati na rin sa ibang lugar sa Pilipinas? Aba, lakas maka-doble kara ah. 

Ang feeding program twing tanghalian. Mukhang kakaiba rin ang datingan. Siguro mas feasible kasi sa usapin ng klase, kadalasa’y merong pang-umaga at panghapon, kaya yun ang nakikitang viable time. Yun nga lang, akala ko ba ay breakfast ang important meal of the day? 

Usapang Mindanao. Kailangan ba ang isyu ng Bangsamoro basic Law o dapat bang maipatupad ang pamahalaang pederalismo? Kung kaya lang masiantabi ang mga interes sa liuran ng mga salita, siguro naman ay magkakaroon ng kapayapaan sa mga lugar na apektado. Medyo malalimang usapin to no.

So mula sa pagtalakay sa isyu ng Mindanao, kahirapan, at pagpapakilala sa sarili sa pamamagitan ng track record, ano nga ba ang napala natin sa kauna-unahang PilPpinas Debates 2016?

Pwede pala tayong makialam bilang isang bansa eh. Maliban sa mga nakatutok sa TV, naging tredning ang usapan sa social media. At hinighlight din ng GMA kung saang lugar aktibo ang mga user ng Facebook at Twitter. Patunay lamang siguro na maliban sa viewing public sa venue at nationwide TV ay maari pala nating mahipo ang kamalayan ng mga netizens (in general).

At hindi lang pala AlDub ang kayang ipa-trend ng Siyete. Hahaha!

Kaya pala nating ipagkaisa ang nationwide media eh. Ganun sana no? Kung umeere sa isang network, ieere naman ito muli sa iba. Kaya pala nating gawin to eh. Yun nga lang, sana sa susunod ay wala na kaming mabalitaan na may pagiging selective sa sinumang pwedeng magcover nito at sa kung saan lamang sila pwede. Maging patas naman. Tanggalin ang “exclusivity” sa Manila media. 

At isa pa, huwag naman masyadong marami sa commercial. Ang kabuuang debate ay tumagal ng 87 minuto (Isang oras at 27 minuto), pero halos isang oras naman (48 to be exact) ang nalaan sa komersyal. Kahit dalawang oras at labing-limang minuto tumagal ang debate, parang nainip lamang ang ilang mga nakatutok para rito.

Kabado si Mike. Teka, kailangan pa ba anting pansinin ‘to? Siyempre, kasi news personality siya na umeere palagi ng live, hindi lamang sa radyo, kundi sa telebisyon. At halos gabi-gabi pa nga ito ginagawa kung tutuusin.

Baka naman may jetlag o last minute na pangyayari kaya nagmukha siyang hindi ganun kalisto. Pero pagbigyan niyo na. Kayo kaya maghost ng ganyan, no. Tapos matitimbang na mga pangalan pa ang kaharap mo. Siyempre pulitika eh.

Mas nagpatutsadahan lamang naman sila nang personalan eh. Sus ginoo. Anong bago? 

Si Duterte, ayaw mag-rebut. Mukhang playing safe ang bet? Tingin ko, hindi naman siguro sa lahat ng oras. Masyado lamang siyang realist sumagot.

Si Binay, masyadong pabida. Really? Decisive? Effective talaga? Bakit hindi mo magawa sa Makati ang mga nagaawa ng Davao? To think na mas progresibo nga ang Makati, kung tutuusin. Mas maliit pa nga kaya madali pang pamunuan yun kesa naman sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas?

And si Miriam naman, kahit palaban, mukhang nahihirapan. Signs of sickness yata.

Kaya siguro parang hangin lang din tuloy ang mga nalista kong obserbasyon sa post na ito. Pambihira.


REFERENCES:

Author: slickmaster | (c) 2016 september twenty-eight productions

Wednesday, 23 December 2015

Away Pa More!

12/23/2015 12:51:59 AM

Minsan, ang pulitika sa Pilipinas ay isang napakaboring na talakayan. Saka lamang ito napapansin ng madla kapag may mga mahalaganag pangyayari gaya ng eleksyon.

At para sa isang ordinaryong araw, isang elemento ang kailangan para maging laman ng mga tao ang usapang-pulitika: kontrobersiya. Mga bagay na hidi basta-basta nangyayari sa ganun-ganun na lamang. Yung mga tipong debate tapos Ingles pa ang dayalekto nila samahan pa ng samu’t saing terminolohiya na tanging mga dalubhasa at elitista lamang ang nakakaintindi? Masyado nang mainstream yan, allo na kung gusto mong gumawa ng ingay at baka sakaling makakuha ka ng boto.


Tignan mo ‘tong mga tangang ito. Ay, este, mga nag-aaway na pulitiko dito. Pasensya na, biglang nag-channer ang inner Heneral Luna sa isipan ko habang sinasabi ko ang naturang linya.

Photo credit: GMA NEWS
Myth daw ang “safest” city sa Pinas? Eh bakit hindi mo gawing reality yan... Kahit sa Cubao man lang? E sa labas nga ng Araneta ay pugad na ng samu’t saring kabalastugan na e. Aber?

Pero... Sampalan na lang? Sabay mamaya, sapakan na lang? Tangina, baka mamaya duelo o espadahan na yan ha? Bigla ko tuloy naalala ang koro ng kantang Tablahan mula sa bandang Grin Department.

Pero mas okay sa akin ang sampalan na lang. Dahil ang tunay na lalake, nananampal. Ay. Ayaw mo maniwala? Manood ka kasi ng wrestling para makakita ka ng mga lalakeng daig pa si Stephanie McMahon, Gladys Reyes o kung sinuman ang malulutong manampal sa mga palabas.

Sapakan, asus. Lagi namang duelo yan ng mga nagmamayabang e. Pag natamaan ego nila, “Tara, sapakan na lang.” Puta, kala mo naman papalag talaga sa mano-a-mano, yun pala either tatakbo lang palayo o may hawak na baril o balisong. Either way, duwag ka pa rin kung ganyan ka.

Subalit, tangina naman. Para namang bakla tong mga to ano? Kaya nagiging sarswela o moro-moro ang pulitika sa Pilipinas e. Parang Abangan ang Susunod na Kabanata lang. Parang isang malaking palabas na ginagawang patawa lamang ang pulitika sa ating bansa.

Okay sana e. Kaso the jokes are on us sa halip na halip na the joke is on them eh. Punyeta. Kala mo naman gagawin talaga ang sampal o sapak.

Isa pa: Magpa-Pasko na. Bakit di kaya tumutok sa mga isyu na may kinalaman sa Pasko? Gaya ng kung gaano kagrabe ang holiday rush o gaano kagrabe ang mga loko-loko sa lipunan? At wag na rin pala yung mga post-Miss Universe na balita. Tapos na ang patimpalak. Magmove-on na tayo ano po.

Parang epal-vs.-punisher na naman? Bwakanangina, pare-pareho naman tayong may mga baho e. Hindi lang ilang mga pulitiko, kundi bilang mga tao. Kaya ano bang punto para punahin natin ang awayan na to?

“Para kayong mga bata,” sabi nga naman ni Isabel kila Tomas Mascardo at Antonio Luna. At sa totoo lang, ganun din ‘tong mga ‘to. Oo, parang mga bata. Mga umiiyak sa natapon na gatas. Mga magpapatayan dahil sa panis na tinapay.

Tanginang yan.

Sa kakaaway ng dalawang ‘to, nanungusan na tuloy sila ni nognog. Oo, naungusna na na silang dalawa sa presidential survey ng Pulse Asia. (Anak ng pating, hindi talaga ako naniniwala sa mga survey na ‘to kahit nagiging laman sila ng sirkulasyon. Pero anyway...)

Sige, away pa more. Ganyan kung paano i-turn off ang mga botante. Parang reverse psychology lang sa advertising ah. Labasan ng baho. Nagpakita ng “tunay na kulay.” (Pero ang kupal pa rin ng sinumang nagpauso niyan dahil hindi naman lahat ng “tunay” ay negatibo.)

Yun nga lang huwag lang sana silang maging bobotante gaya ng tipikal at nakararami.


Author: slickmaster | © 2015 september twenty-eight productions

Monday, 14 December 2015

CURSES!

12/12/2015 7:27:18 PM

Anong meron sa isyung ito: nagmura si Mayor Rodrigo Duterte.

Okay, una: Patama raw ito laban kay Pope Francis. At pangalawa: nung bumira ito ng “putangina,” humiyaw ang tao.

Ows. Talaga, ‘di nga? 

Ayon ito sa isang press conference na tila nabadtrip na raw ang presidentiable sa traffic scheme noong andito ang Santo Papa sa Manila.


Pero teka nga, literal ba minura niya ang Santo Papa o minura dahil sa nangyaring traffic? Mukhang malinaw ang sagot sa video.

Sa totoo lang, mali nga naman talaga. Pagwawalang-galang e. Isa sa mga ginagalang na tao sa buong mundo ay ang mga lider ng mga relihiyon gaya ng Santo papa.

Ngunit ano naman kung nagmura siya? Santo Papa kasi ang minura niya e. Nakakaoffend yun sa mata ng mga nakararami, partikular ng mga Katoliko. At aling relihiyon ba ulit ang dominante dito sa bansa?

Humihiyaw nung nagmura? Sabagay, hindi nilang magawa magalit sa ginawa e. Kaya kahit mali, ayun, be proud ika nga. 

Ito ang isa pang problema: kung may isang tao ba ang gumawa niyan ay nagrereact din ba tayo nang todo-todo? Maari, at malamang. Bakit kanyo? Ang relihiyon ang isa sa mga pinakamatinding paksa pagdating sa pagtatalo. Walang tunay na nanalo rito, at lalo wala ring natatalo, pero marami ang ayaw magpatalo. Para sa pananampalataya e. Para sa ‘tamang landas.’ At sinuman ang bibira na taliwas, good luck.

Reality is: halos lahat naman ng tao ay bumibitaw ng mura kahit minsan sa talambuhay e. So bakit pa tayo nagmamalinis at magkunwaring kinokondena natin ang mga ito? Mas nakakagago yata yun no.

Naiisip ko: sadya ba tong ginawa ni Duterte o isa na naman ‘tong simpleng isyu na pinalaki ng mass media? Kasi mahal ng media ang kontrobersiya. Magmura lang si ganito, gagawiong national news item kahit sa totoo lang—maliban sa kanyang prominenteng pangalan at reputasyon—ay basura lang ang laman (kung hindi man hangin).

At masasabing wala namang problema sa mga kandidato e. Minsan, ang may pakana nito ay ang tatlo sa mga ito: ang mga publicist nila, ang mga tagahanga, at ang media.

Bakit kanyo?

Sa sobrang pageekseperimento ng publicist nila, hindi nila naiisip ang mga bagay na mas dapat bini-build-up. I get it: nagpapakatotoo lang naman si Duterte e. Pero again, hindi siya yung dapat mas pinupuntirya ditto e. Kundi yung mga bwakanangninang oportunista na pinapasikat ang isyung iyun. Dahil ‘bad publicity is still publicity.’ 

Mga tagahanga. As much as iniintindi ko ang sentimiyento ng mga humahanga sa bawat kampo, may mga sandal talaga na lumalabis sila e. Mas malandi pa sa mga clingy na jowa nila. Tangina, kala mo naman may nakukuha o pinapakain. Tsk.

At higit sa lahat, media. Dahil sila ang mas may ugnay sa PR at sila rin ang pinapanood ng mga tao—partikular ng mga taong humahanga at mga basher na rin. Kahit ipagdiin pa nila na hindi sensationalized na isyu ukol sa pagmumura ni Duterte eh nagmumukha silang gumagatong dahil sa kung paano nila ihatid ito at sa kung anon gang mas ineemphasize.

Punyeta. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas e.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions

Friday, 16 October 2015

Na-#DuterteZoned Ka Dre?

10/16/15 05:43:50 PM

rojan88.wordpress.com

Ayan. Nasaktan na naman kayo. Disappointed. Galit na para bang hiniwalayan kayo ng syota, o nabasted ng nililigawan, o nasabihan na “ hanggang magkaibigan lang tayo.”

At bakit nga naman hindi? Umaasa kasi kayo sa mga binibitiwang salita eh.

Alam niyo naman ang mundo ng pulitika dito sa Pilipinas. Kung hindi puno ng kasinungalingan, lipunan naman ito ng mga taong “walang isang salita.” Hindi ganun katigas ang paninindigan.

Pero ganun nga ba siya? Oo, yung gusto natin sana maging pangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte?

Aba, ibahin mo siya sa mga ibang pulitiko sa bansang ito. At least siya, sa bandang huli ay nanindigan pa rin na “hindi tatakbo sa darating na 2016 Presidential Elections.” Oo, kahit sabihin mo na para siyang babaeng nagpakipot pa sa nililigawan pero babastedin lang pala sa bandang huli. Nagpaasa, sa terminolohiya ng mga romantiko; o Friendzone sa makabaong bersiyon. Oo, maaring nag-soul searching pa siya para maliwanagan ang isipan, puso, at kaluluwa.

Pero paano kung hindi pala niya sinabi yun at bagkus ay gawa lang ito ng mga spin doctor? Yung mga tipong ginagamit ng ilang PR ang media para makapagpahayag nang may bulas. Pero malabong paniwalaan ang ganyang argumento. Hindi lang dahil si Digong mismo ang allegedly nagsabi nyan, dahil sa malakas ang kapangyarihan ng mga stratehista sa pulitika sa pamamagitan ng mga adviser nila at ang media mismo. Kaya nga kahit basura ang pinapanood mo ay tinatangkilik mo pa rin, 'di ba?

At kahit magpakalbo pa ang anak, at mga tagasuporta—at ultimong ahitin (o rather, kalbuhin) pa ang pubic hair mo, hindin siya tatakbo para sa'yo. Hindi dahil sa hindi niya kayo mahal o ano. Malamang, may dahilan siya. Gusto pala niya magretiro; o kung hindi man, pamunuan na lamang ang Davao.

At bakit mas pipiliin niya ang Davao kesa sa buong Pilipinas? Hindi madaling magpatakbo ng isang bansa. Sa ngayon, maaring nagugustuhan mo siya. Pero paano kung hindi niya nakamtam ang mga nais mo? Paano kung nag-fail siya sa mga expectation niyo? O sa kontesto ng mga friendzone at klung ano pang kababawan ng relasyon, paano kung hindin niya natupad ang pangako sa 'yo?

Magagalit ka ba gaya ng pag-react mo sa mga taong hinalal mo nitong nakaraang halalan? Iintindihin mo rin ba ang puwesto niya kung sakali? Malamang hindi, dahil baka sarili niyo lang ang pipiliin niyo, at kung anumang kapalpakan ang mangyari, isisi mo sa gobyerno.

At paano kung mangyari ito sa darating na panahon na kung sakali lang ay tumakbo si Duterte at nanalo; pero sa mga nagdaang buwan at taon ay hindi rin nagampanan nang sapat ng kanyang administrasyon ang mga suliranin ng ating bansa?

Kitam. Hindi niyo man lang ginalang ang desisyon niyang magsabi ng hindi. Paso na nga ang deadline e. Tapos na ang buong #DuterteSerye. Kahit sa kabila pa nito na nag-rally pa ata kayo sa harap ng Palacio del Gobernador para lang gumawa ng last-minute na ingay. Nung nag-anunsiyo na siya sa social media account niya ay ganun kayo na dismaya, nagalit o dili kaya'y nabad trip. As if hawak niyo siya sa leeg ah? As if anak niyo siya ah, o nilibre niyo siya ng gabundok na pagkain.

Prarang tumatanaw lang ng utang na loob ah.

Ah, dahil siya na nga lang ba pag-asa ng bansa? Kunsabagay, sa lahat kasi ng mga pulitikong kakandidato ngayong eleksyon, mukhang siya lang ang may kakayahan talaga.

Pero ano magagawa natin, maliban sa igalang ang kanyang pasya? Yun lang. Wala pala siyang ambisyon e. Bakit natin ipipilit ang mga bagay-bagay, na para bang ipinagsiksikan mo ang sarili mo sa babaeng nakilala mo sa isang bar; o sa isang bagon ng MRT na mas siksikan pa kesa sa lata ng sardinas?

Dahul siya lang ba makapagpabago sa atin? Bakit hindi ba natin magawa yan sa ating paligid? Sabagay, ultimong pagtatapon nga ng basura sa tamang tapunan ay hindi nga natin magawa.

Ganito yan: kung gusto niyo ng pagbabago sa Pilipinas, una sana mapansin niyo man lang na kailangan ng radikal na pagbabago, at nagsisimula ito sa inyong mga sarili.

At pangalawa, kung may bayag talaga kayo na maging makabayan, nag-file sana kayo ng certificate of candidacy gaya nung mga ordinaryong nilalang na gumawa niyan sa loob ng limang araw. Hindi sila baliw gaya ng inaasahan niyo. Oo, maaring hindi sila sikat. Pero at least ginawa nila kahit minsan sa buhay nila.

Hindi ito usapin ng YOLO. Usapin ito ng kung ano ang kaya mong gawin para sa bayan maliban pa sa panunood ng mga pelikulang gaya ng Heneral Luna at magingninstant fanboy o historyador pagkatapos.

Buti nga ang mga panatiko ng pelikulang ito natutuo sa mga bagay sa kasaysayan ng bansa e. At least kahit saglit lang, nagpakita sila ng pake sa Pinas. E yung mga walang inatupag kundi kiligin na lang sa mga “serye” na oras ng katanghalian, aber? Sana nga kung ano yung mga turo ni Lola Nidora dun ay naipapasok sa utak niyo e, lalo na sa panahon ngayon na mas binibigyan pa ng importansya ang pag-ibig (o paglalandi) sa sinisinta kesa sa anumang bagay.

Nakakagago na nga ang estado ng pulitika sa ating bansa, mas nakakagago pa yung ilang mga nagrereact sa social media. Para kayong pinaasa ng isang hot tsiks o kung sinumang gwapitong heartrob ah.

Sabagay, nagpadala kasi kayo e. Kasalanan niyo rin yan.

Author: slickmaster | ©2015 september twenty-eight productions